Planuhin Mo ang Iyong Kinabukasan

Ako po si Jolina Puralan, 17 gulang at nagaaral sa ika sampung baitang sa Bagbaguin National High School.Dalawa lang po kaming magkapatid at ako po ang panganay.Ang mama ko po ay wala na simula nung mga bata pa kami at ang papa ko naman po ay iniwan kami at naghanap ng ibang babae.At ipinangako ko po sa sarili ko na kahit anong mangyari kahit wala na yung mga magulang namin laban lang,”NEVER STOP BELIEVING.

1.Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay?

a.Edukasyon

Makapagtapos ng pag aaral

b.Kasal

Gusto ko po muna tuparin ang mga pangarap ko kasama ang kapatid ko at mga taong nagsilbing mga magulang namin.

c.Anak

Gusto ko pong magka anak ng dalawa or tatlo lang,at gusto ko din po ay yung nakaplano.

d.Libangan

Nalilibang po ako sa tuwing nagbabasa ng wattpad book.

e.Pagreretiro

Magreretiro po ako sa edad na 50 o 60 years old.

f.Iba pang aspekto ng buhay

Makahanap ng magandang trabaho.

2.Sa gulang na 30,alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?

Ang maikasal sa taong iyong iniibig.

3.Sa gulang na 40,alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?

– Nagtatrabaho upang makapag ipon para sa magandang kinabukasan.

4.Sa iyong buhay ngayon,ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak na ang iyong mga layunin ay makamit o maisakatuparan?

Maniwala sa iyong kakayahan at pag sumikaping makamit ang mga ito,huwag magpapadaig sa mga problemang dumadating sa iyong buhay.Laban lang.

5.Ano kayang pagbabago ang maaaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung ikaw ay mabuntis?Maging batang ama o ina?Masangkot sa prostitusyon,at iba pa?

Mapupunta lang sa wala ang lahat ng mga binuo kong pangarap para sa aking pamilya.Maaaring mahinto ako sa pag aaral at dahilan nito mahihirapan akong makahanap ng magandang trabaho,higit sa lahat maaaring maghirap ang magiging anak o pamilya ko.

6.Magsulat ng isang maikling essay tungkol sa isang tanong na nabanggit sa itaas.Iugnay ito sa iyong buhay.

Ang napili kong tanong ay ang panglima.

Ito ang aking napili dahil maiiugnay ko po ito sa buhay namin at nang akin ina na pumanaw ilang taon na ang nakakaraan.Kwento samin ng lola ko na ina ng mama ko,marami din daw pangarap si mama para sa pamilya niya,para kayla lolo at lola pero sa kasamaang palad hindi niya natupad ang mga iyon.Dahil maagang nabuntis si mama.

Kaya simula nung ipinanganak kami hanggang sa pag laki naranasan na agad namin yung hirap ng buhay dagdag pa nung iwan kami ni papa at sumama sa ibang babae hanggang isang araw sinugod nalang bigla si mama sa hospital dahil bigla nalang sya nahimatay,ilang araw kami sa hospital nun at palaki ng palaki yung bills namin at dahil probinsya nga dun mahirap makahanap ng pera,kaya ayun.Kinabukasan nabalitaan nalang namin na wala na si mama.